9 Types of Windows in the Philippines: A Practical Guide to Choosing the Right Style for Your Home

9 Types of Windows in the Philippines: A Practical Guide to Choosing the Right Style for Your Home

____________________________________________________________________________________________________________________

TL;DR

Choosing the right window affects your home’s comfort, lighting, and energy efficiency. Here are the most common types of windows in the Philippines, where each fits best.

  • Sliding and casement styles maximize airflow and light.

  • Awning and hopper types suit compact or rainy areas.

  • Fixed, bay, and skylight windows boost natural lighting.

  • Choose based on your layout, climate, and maintenance needs.

____________________________________________________________________________________________________________________

Pag nagpa-renovate ka o nagpatayo ng bahay, isa sa mga madalas nakakaligtaang pagtuunan ng pansin ay ang bintana. Pero kung tutuusin, malaki ang epekto nito sa comfort, style, at ventilation ng bahay mo. Kaya mahalagang pumili ng tamang design na babagay sa klima at overall look ng tahanan mo.

Sa dami ng window types sa Philippines, minsan nakakalito kung alin ang pinaka-practical. May mga windows na maganda para sa airflow, meron namang energy-efficient o madaling linisin.

Sa article na ito, pag-uusapan natin ang iba’t ibang uri ng bintana na common sa Pilipinas—ang features nila, saan sila bagay gamitin, at paano ka makakapili ng style na swak sa budget at lifestyle mo.

9 Types of Windows in the Philippines To Know About 

Bawat bahay may kanya-kanyang personality, at malaking factor dito ang style ng bintana. Bukod sa design, dapat din isipin ang hangin, ilaw, at seguridad na gusto mong makuha. Narito ang mga pinaka-common types of windows in the Philippines at kung saan sila pinakamainam gamitin.

1. Sliding

Isa sa mga pinakasikat sa modern homes ang sliding windows. Simple, sleek, at madaling gamitin, ideal ito para sa mga compact spaces tulad ng condo o small apartments. Hindi ito kumakain ng extra space dahil hindi kailangan ng swing clearance. 

Bukod pa rito, nagbibigay ito ng maayos na airflow at natural light, kaya presko at maliwanag ang loob ng bahay mo. Madali rin itong linisin at low-maintenance, lalo na kung gawa sa aluminum o uPVC frames.

2. Awning

Ang awning windows ay hinged sa itaas at bumubukas palabas, kaya kahit umulan, puwedeng bukas pa rin ang bintana mo. Perfect ito kung gusto mong may hangin pero ayaw mong pumasok ang ulan.

Dahil airtight kapag nakasara, energy-efficient din ito at nakakatulong sa insulation ng bahay. Karaniwan itong nakikita sa kitchens at bathrooms kung saan kailangan ng airflow pero limitado ang espasyo.

3. Casement

Classic at versatile, ang casement windows ay puwedeng gamitin sa halos lahat ng uri ng bahay. Binubuksan ito palabas gamit ang crank handle, kaya nakakapasok ang hangin nang direkta. Dahil nagsasara ito nang mahigpit, maganda rin ang energy efficiency at sound insulation nito. 

Kung gusto mong bigyan ng eleganteng look ang bahay mo, casement windows ang isa sa mga pinaka-maayos na option.

4. Jalousie

Kung old-school charm at maximum airflow ang iyong naiisip, jalousie windows ang bagay sa’yo. Binubuo ito ng magkakapatong na glass slats na iniikot para kontrolin ang hangin at ilaw. Madalas mo itong makita sa mga bahay sa probinsya o sa mga coastal areas dahil mahusay itong magpahangin. 

Budget-friendly din ito at madaling palitan kung masira. Ang downside lang, hindi ito ganoon kasecure, kaya mas maganda gamitin sa areas na hindi exposed sa labas.

5. Fixed

Ang fixed windows ay hindi nabubuksan pero napakaganda para sa natural light at aesthetics. Ideal ito sa mga area na gusto mong magkaroon ng magandang view, gaya ng living room o staircase. Dahil walang moving parts, minimal ang maintenance at mataas ang insulation. 

Kung gusto mong magdagdag ng architectural accent sa bahay mo, magandang i-pair ito sa openable window styles para may balance sa form at function.

6. Hopper

Ang hopper ay ang kabalikataran ng awning windows dahil hinged ito sa ilalim at bumubukas paloob. Dahil compact ang design, madalas itong gamitin sa bathrooms, basements, o utility areas.

Nakakatulong itong maglabas ng moisture at amoy habang nagbibigay pa rin ng privacy. Maganda rin ang security level nito dahil mahirap buksan mula sa labas.

7. Bay and Bow

Gusto mo ba ng konting drama at space sa bahay mo? Gumamit ka ng bay o bow windows. Umaabot ito palabas sa pader, kaya nakakadagdag ng illusion ng mas maluwag na interior. 

Bukod sa magandang view, puwede mo rin itong gawing reading nook o maliit na seating area. Malaki rin ang ambag nito sa natural lighting ng bahay, kaya siguradong mapapatas ang aesthetic value ng iyong tahanan.

8. Skyligh

Ang skylight windows ay nilalagay sa bubong para pumasok ang natural light mula sa itaas. Tamang-tama ito sa mga lugar na madilim o kulang sa bintana, tulad ng attic o kitchen. Malaki ang natitipid sa kuryente dahil di mo kakailanganin ng artificial lighting. Kailangan lang itong ipa-install sa professional para siguradong waterproof at maayos ang sealing.

9. Louvered Windows

 

Kadalasang ginagamit sa bathrooms o laundry rooms, ang louvered windows ay may adjustable horizontal slats na nagbibigay ng tamang kombinasyon ng privacy at airflow. Gawa ito sa matitibay na materyales tulad ng aluminum o PVC, kaya long-lasting at madaling linisin.

Magandang modern alternative ito sa jalousie windows kung gusto mong may parehong ventilation pero mas polished na look.

Open Your Home to the Right Choice

Walang one-size-fits-all na bintana, at talagang depende ito sa layout, budget, at gusto mong vibe ng bahay mo. Ang mahalaga, pumili ka ng design na hindi lang maganda tingnan pero nakakatulong din sa airflow, comfort, at energy efficiency ng space mo.

Kapag maayos ang window choice mo, mas presko, maliwanag, at welcoming ang ambiance ng bahay. Kaya kung plano mong magpa-install o mag-upgrade ng windows, siguraduhing handa ka sa bawat step ng project at may tamang gamit sa bawat stage.

Para dito, makakatulong ang Powerhouse Tools—isa sa mga pinka trusted hardware stores in the Philippines. Dito ka makakahanap ng high-quality drills, sealants, measuring tools, at construction essentials na maaasahan para maging smooth at hassle-free ang window installation o anumang home improvement project mo. 

Visit our website or contact us today to find the right tools and equipment that help you build better, faster, and smarter.

____________________________________________________________________________________________________________________

FAQ

  1. What are the common types of windows used in the Philippines?
    The most common types include sliding, awning, jalousie, and casement windows. Other options like fixed, bay, and hopper windows are also gaining popularity in modern homes.

  2. Which type is best for ventilation and natural light?
    Casement and jalousie windows offer the best airflow and natural lighting since they can open fully and let fresh air circulate throughout your home.

  3. What’s the most budget-friendly option for homeowners?
    Jalousie windows are generally the most affordable option. They’re easy to install and maintain while still providing good ventilation for tropical climates.

  4. How do I choose the right style for my house?
    Consider your home’s layout, the direction of sunlight and wind, and your maintenance preferences. Balance function, design, and comfort when choosing a window type.

  5. Where can I find quality tools and materials for installation?
    You can find dependable tools and materials for window installation at Powerhouse Tools. They carry power drills, angle grinders, and other essential hardware suited for DIY and professional projects.

____________________________________________________________________________________________________________________